Posts

PAGSUSURI NG PELIKULA " MAGNIFICO""

Image
                          MAGNIFICO                  ni. Mario J. Delos Reyes I. PANIMULA A. TEMA / PAKSA    Ang pelikulang Magnifico ay kwento ng isang bata na namulat sa kahirapan ng buhay. binigyang buhay din dito ang pagiging matatag ng isang pamilya na kahit subra-subrang paghihirap ang kanilang nararanasan ay patuloy lang silang lumalaban . Gayun din ang naging pagsasamahan ng lugar na kung saan ay naging maayos ang pagsasamahan dahil sa isang musmos na batang si Magnifico. Ipinalabas ang pelikulang ito noong 2003 na isinagawa ng Violet Film Production. Sa deriksyon ni Mario J. Delos Reyes , at panulat ni Michito Yamamoto. B.PAMAGAT  Makikitang napakaganda din bg naging titulo nito dahil ang pamagat na Magnifico ay pinakita sa pamamagitan ng pag-ikot ng buong kwento sa naging buhay ng batang bida na si Magnifico hanggang siya ay bawian ng buhay.   C. MG...

TITSER ni : Liwayway Arceo Bautista

Image
                                   TITSER                ni: Liwayway Arceo Bautista I. PANIMULA  A. Kahulugan ng pamagat          Sa nobelang ito na titser ay pumapatungkol sa kwento ng dalawang guro na may nabuong pagmamahalan sa bawat isa , sa katauhan nina Mauro at Amelita na buhat sa kanilang pagmamahalan ay pilit na tinututulan dahil sa pangmamaliit sa kanilang propisyon. B. Pagkilala sa may akda:         Si Liwayway Arceo Bautista ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na kuwentistang babae. Palagiang manunulat siya sa magasing Tagalog na Liwayway. Maybahay siya ni Manuel Prinsipe Bautista, isa ring manunulat at makata sa wikang Tagalog. Noong 1962 ay nanalo siya ng Palanca Award sa kanyang kuwentong Banyaga. Ang kanyang Uhaw ang Tigang na Lupa ay nagkamit din ng pangalawang gantimpala sa Palanca Me...

BARYO SA PAANAN NG BUNDOK

Image
 KWENTONG KAPALIGIRAN:        BARYO SA PAANAN NG BUNDOK       Sa liblib na lugar , sa paanan ng bundok ay mayroong maliit na baryo. Na may iilang bahay din na naninirahan dito.  Na halos lahat ng mga nakatira dito ay magkakamag-anak isa na rito ang pamilya ni Mang Tacio at Aling Maring. Si Mang Tacio at aling Maring ang namumuno sa kanilang baryo sa lahat ng aktibidad at iba pang mga gawaing pambaryo. Sila rin ang takbuhan ng mga taga baryo tuwing may mga pangangailangan at pag nagkakaroon ng problema ang mga ito. Dahil nga hindi sila biniyayaan ng mga anak ay itinuon na lamang nila ang kanilang panahon sa pagtulong sa kanilang mga kasamahan sa baryo.  Isang umaga , habang si Mang Tacio at Aling Maring ay nagkakape sa kanilang beranda at pinanunuod ang mga batang naghahabulan sa harapan ng kanilang bahay ay di ano-ano'y may isang lalaking humahangos sa pagmamadali sa pag takbo habang papunta sa bahay ni Mang Tacio para ibalitang mayroong...

Bahay na bato sa gubat

Image
      KWENTONG KABABALAGHAN:                  Bahay na bato sa gitna ng gubat     Sa isang sikat na unibersidad sa Maynila , ay may isang grupo ng barkadahan na mahilig sa Adventure, Ang mga ito ay sina Jonas , Benjo , Juacquin, Lester, Chesca, Laila, Karen , at Jen. Kapag may bagong nadiskobre silang bagong pasyalan, malayo man ito o malapit ay wala silang pinalalampas. Isa ang pinakang gusto  nilang puntahan ay ang malalayung probensya.         Isang araw habang sila ay nakatambay sa kantina  ng paaralan ay masaya silang nagkukuwentuhan na sinamahan pa ng kulitan at asaran kaya ang mga kumakain dito ay hindi maiwasang mapatingin sa kanila. Maya maya ay tumunog na ang bell kaya sila ay nagmadali ng pumasok sa kanilang silid para sa kasunod na subject, Pagpasok ng kanilang professor ay nagbigay ito ng announcement para sa kanilang parating na Midterm exam, kaya't ang...

PAGPAPAUBAYA

Image
  Sanaysay:        Sa ating buhay , masasabi nga nating ito ay isang mundo na punong-puno ng misteryo na kung minsan ay mapapaisip ka at mapapatanong sa iyong sarili na , bakit nga ba ito nangyayari sa aming pamilya? ano ba ang ginawa ko , para parusahan ako ng ganito ? bakit ina ko pa ang nagdusa sa buhay , dahil sa inggit ng iba? at kailangan naming magpaubaya para sa kaayusan ng aming pamilya!?        Sa aking nasaksihang pangyayari na hindi ko matanggap kung bakit ito ang naging dahilan ng paghihirap at pagpanaw ng aking ina at naging dahilan din ng pagbabago ng takbo ng aming buhay , dahil ng mawala ang aming ina ay nagkaroon ang aking ama ng panibagong pamilya , sa panyayaring ito ay masakit para saakin dahil hindi pa manlang natatagalan ang aking mamang pumanaw ay napalitan agad siya ng ibang babae, Sa tuwinang sila ay makikita kung magkasama ay nasasaktan ang puso ko .Ngunit kailangan ko itong tanggapin at magpaubaya dahil kailangan d...

Umiiyak na Sanggol

Image
      Sa isang liblib na lugar sa bayan ng San Antonio ay may kumakalat na bali-balita , na  sa ilalim ng  tulay ay mayroong mga maligno na lumalabas tuwing sasapit ang dapit hapon. dahil malimit daw dito na makarinig ang karamihan ng pag-iyak ng sanggol, base sa mga taga rito ay ilang araw na daw na naririnig ang pag-iyak ng sanggol dito. Dahil sa mga bali-balitang ito ay naintriga si Lucia , gusto niyang malaman kung totoo nga ang mga bali-balita.        Isang hapon ,  habang si Lucia ay nag-aabang sa kanyang ina galing sa pagtitinda ay naisipan niyang sa dulo ng tulay mag-abang para narin malaman niya kung totoo ang sabi-sabi. habang siya ay naglalakad ay iniisip niya na mayroon ba talagang maligno sa ilalim ng tulay!?  At ng makarating siya sa tulay ay umupo siya sa gilid. Samantala hindi pa siya natatagalan sa pagkakaupo ay may narinig siya sa ilalim ng tulay na ingit ng sanggol hanggang sa lumakas ang iyak nito. Sa takot niya ...

SAKLAP

Image
           Kulang pa ba? Ano nga ba ang kailangan kung gawin ? hindi ba sapat ang pag-ibig na binigay ko sayo?  lagi nalang tayong ganito!       Bakit kahit anong pagsisikap ang aking gawin !         kulang at kulang parin !         subrang nahihirapan ang damdamin.         Inaamin ko na ako noon ang nagkulang !         hindi sapat ang oras na binigay ko sayo .         pero ngayon bumabawi ako!         Himalayan ba ang sagot sa pagmamahalan nating binuo?         Alam ko na mahal mo rin ako!         sana'y maayos natin ang gulo .         mula sa hindi pagkakaunawaan na ating  naranasan.