PAGSUSURI NG PELIKULA " MAGNIFICO""
MAGNIFICO
ni. Mario J. Delos Reyes
I. PANIMULA
A. TEMA / PAKSA
Ang pelikulang Magnifico ay kwento ng isang bata na namulat sa kahirapan ng buhay. binigyang buhay din dito ang pagiging matatag ng isang pamilya na kahit subra-subrang paghihirap ang kanilang nararanasan ay patuloy lang silang lumalaban . Gayun din ang naging pagsasamahan ng lugar na kung saan ay naging maayos ang pagsasamahan dahil sa isang musmos na batang si Magnifico.
Ipinalabas ang pelikulang ito noong 2003 na isinagawa ng Violet Film Production. Sa deriksyon ni Mario J. Delos Reyes , at panulat ni Michito Yamamoto.
B.PAMAGAT
Makikitang napakaganda din bg naging titulo nito dahil ang pamagat na Magnifico ay pinakita sa pamamagitan ng pag-ikot ng buong kwento sa naging buhay ng batang bida na si Magnifico hanggang siya ay bawian ng buhay.
C. MGA NAGSIPAG GANAP
Jiro Maño - bilang si Magnifico ( Pikoy) Ang pangunahing tauhan na namulat sa kahirapan kahit na sa murang edad pa lamang ay naging mabait , matulongin kahit na siya ay nahihirapan din. mahina ang ulo sa klase.
Lorna Tolintino- bilang si Edna na ina ni Magnifico , siya ay palagi lang nasa bahay at pagboborda ang kaniyang ginagawa bukod sa pag-aalaga ng kanya beyanan at anak na may sakit.
Albert Martinez - bilang si Gerry ang ama ni Magnifico. Pagkakarpentiro ang kanyang naging trabaho na pinambubuhay sa kanyang ina at Pamilya.
Danilo Barrios - bilang si Miong ang matalinong nakatatandang kapatid ni Magnifico, na umuwi ng probensya dahil sa pagkawala ng kanyang scholarship.
Gloria Romero - bilang sa lola Magda na lola ni Magnifico na may cancer at ginawan ng ataol.
Isabella De leon - Ang bunsong kapatid ni Magnifico na may cerebral palsy.
II. KWENTO
Masasabi ngang ang kwento ni Magnifico ay isang napaka ganda at nakakadurog ng puso. dahil tumatalakay ito sa naging pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao na sa gitna ng kahirapan ay patuloy silang lumalaban para maitawid sa pagkakalugmok sa dinadanas nilang hirap. Sa kabilang banda ang mga pangyayaring ito ay nagaganap din sa tunay na buhay. Samantala ang pagiging mosmos ni Magnifico ay hindi naging hadlang para sa kanyang pagiging mabuting bata at makatulong sa pamilya , gayun din sa kanyang mga kalugar. Dahil sa naging sakit ng kanyang lola Magda na canser at nabanggit na malapit ng mamatay ito. gayun din sa laki ng gagastusin at nag-aalala ang kanyang ina sa gagamitin sa burol nito at paglilibingan. Hindi nakatiis si Magnifico at nagtanong sa kanyang lola kung magkano ba ang gagastusin kapag ang kanyang lola ay namatay. sinagot naman ito ng kanyang lola na 30 mil ang kailangan . Sa pagsasabing ito ng kanyang lola ay naisipan niyang mag-ipon at sekretong gumawa ng ataol kasama ang kanyang kaibigan . dahil nakikita din ni Magnifico na nahihirapan ang kanyang kapatid dahil naman sa sakit nitong celebral palsy. ay umisip siya ng paraan para makainom ito ng maayos, mula sa nakita niyang laruan sa perya kaya niya naisipang iyun ang gamitin niya para mapainom ang kanyang kapatid ng hindi nahihirapan. naisipan din niyang bilhin ang wheel chair ng nanay ni Mang Doming ,ngunit mahal na ibinibenta ito ni Mang Doming na nagkakahalaga ng tatlong libo. ngunit hindi rin sapat ang kanyang naipon sa pagbebenta ng palamig at tubig sa perya kasama ang kanyang kaibigan. nakaipon lang sila ng tatlong daan. Samantala sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog ang kanyang lola sa higaan kaya ang kanyang naipong pera ay ibinili na lamang niya ng gamot kaya hindi na niya naarkila ang wheelchair. Samantala isa si ka during sa kanyang natulongan upang gumaling ang ubo nito. at binaliwala nina magnifico at Carlo. at dalawang beses na binigyan ng pulot. ilan din dito sa kanyang mga natulongan ay sina Tessie at Christy na nagkasundo narin dahil sa kanya. Kaya't masasabi mo ngang kahit na hindi nagtagal ang buhay ni Magnifico sa mundong ibabaw ay naging makabuluhan ang kanyang maikling panahon na naging pamamalagi sa mundo. Sa pagkamatay ni Magnifico ay lahat ng kanyang kalugar nalungkot .
III. DIYALOGO
Sa mga salitang binibitawan ng bawat karakter ay makikita mong akma sa bawat eksena at madadala ka sa bawat pangyayari simula umpisa hanggang wakas.
IV. SINEMATOGRAPIYA
A. ANGGOLO
Ang bawat pagkuha sa ibat-ibang anggolo ng kamera ay naging maayos.
B. ILAW
Sa paggamit naman ng ilaw mula sa dilim at liwanag ay kakikitaan dramatikong pagganap.
C. KASUOTAN
tugma sa bawat karakter ang kanilang mga kasuotan , mula sa pagiging mahirap at sa iba pang nakakaangat sa buhay . kaya ito ay nakadagdag sa pagiging makatutuhanang pagganap sa kwento.
V.IBA PANG ASPEKTONG TEKNIKAL
A. EDITING
Sa ginawang takbo ng eksena ay hindi ginamitan ng flashbacks , sa bawat eksena ay may maayos na pagpuputol ng bawat eksena, na hindi mabibitin ang bawat manunuod.
B. MUSIKA
Ang bawat tunog at musikang ginamit sa bawat eksena ay nakadagdag sa pagpapadama sa bawat manunuod ng kirot sa puso dahil mararamdaman mo ang hirap ng kanilang nararanasan na talagang mapapaluha ka.
VI. ARAL
Hindi hadlang ang pagiging bata at kahirapan para makatulong ka sa ibang tao , kapamilya man ito o hindi kakilala.
Maging mabuting tao , dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo mamamalagi sa mundong ibabaw.
Kailangang may pagkakaisa ang lahat para sa kaayusan ng pqmumuhay.
Huwag susukuan ang problema dahil , habang may buhay ay may pag-asa .
Comments
Post a Comment