Bahay na bato sa gubat


 
    KWENTONG KABABALAGHAN:
                 Bahay na bato sa gitna ng gubat
    Sa isang sikat na unibersidad sa Maynila , ay may isang grupo ng barkadahan na mahilig sa Adventure, Ang mga ito ay sina Jonas , Benjo , Juacquin, Lester, Chesca, Laila, Karen , at Jen. Kapag may bagong nadiskobre silang bagong pasyalan, malayo man ito o malapit ay wala silang pinalalampas. Isa ang pinakang gusto  nilang puntahan ay ang malalayung probensya. 
       Isang araw habang sila ay nakatambay sa kantina  ng paaralan ay masaya silang nagkukuwentuhan na sinamahan pa ng kulitan at asaran kaya ang mga kumakain dito ay hindi maiwasang mapatingin sa kanila. Maya maya ay tumunog na ang bell kaya sila ay nagmadali ng pumasok sa kanilang silid para sa kasunod na subject, Pagpasok ng kanilang professor ay nagbigay ito ng announcement para sa kanilang parating na Midterm exam, kaya't ang bawat isa ay nanahimik , kasunod nito ay inihayag din ang kanilang team building. dito na nag-umpisang mag-ingay ang bawat isa.  dahil mas excited pa sila sa gaganaping team building kaysa sa exam. Habang pinag-uusapan nila ang team building ay nagtanong ang professor na mag bigay ng lugar  kung saan may magandang pagdausan nito. Sumagot naman si Laila na mayroon sa probensya nila na magandang resort , at pede rin na mag hiking . kaya't sinabi ng kanilang prof. na " ah maganda nga dun at pede pa tayong gumawa ng maraming activity kasama na ang pag hahiking" . Sa tinurong lugar ni Laila ay pumayag ang bawat isa. kaya't sa paglabas nila ng silid ay masayang-masaya ang lahat.
Makalipas ang ilang araw at exam na , sabay-sabay na pumasok ang magbabarkada para sa pag exam.  Tinapos din nila ito ng mabilis dahil gusto nila na mapabilis ang araw , dahil excited sa gaganaping team building.  Samantala sumapit na nga ang araw ng kanilang team building. Nakahanda na rin ang kanilang mga sasakyan . Sila ay nag tatlong grupo at sa pagpunta sa probensya ay magkakacomboy ang tatlong Van. Dahil sa layo ng probensya nina Laila ay nakatulog sa biyahe ang ilan sa mga sakay ng Van.
Samantala ang kanilang biyahe ay inabot ng maghapon at nag-aagaw na ang dilim at liwanag na sila ay makarating sa resort na pagdadausan. Pagkadating nila dito ay mga nag-ayos lang muna ng kani-kanilang gamit bago bagpahinga. Para mapaghandaan ang maraming activity kinabukasan. 
Pagsapit ng umaga ay maaga ring nagsigising ang lahat para masilayan ang pagsikat ng araw sa silangan. gayun din para makita ang magandang tanawin sa umaga.  Pagkatapos nilang mag-almusal ay nagtipon-tipon ang lahat sa ilalim ng maraming puno . Para mapag-usapan ang gagawing pag hahiking . Sa ginawang paghahati ng grupo ng kanilang prof. ay nakabase na kung sino-sino ang magkakasama sa sasakyan . para mapabilis ang paghahati. Pagkatapos na pagpangkatin ang lahat ay pinaliwanag ang gagawin nilang task. at ito ang pag-iipon nila sa mga nakakalat na mga Flag.  Pagkatapos magpaliwanag ng kanilang Professor ay nag-umpisa na silang hanapin ang mga nakakalat na Flag sa malawak na gubat.
 Habang lumalayo ang kanilang nararating paghahanap ng flag masaya pa rin silang nagkakantahan at nagbibiruan habang naglalakad para malibang.  Habang si Jonas ay naglalakad at palinga-linga ay may napansin siya sa kanilang nilalakaran, at napaisip siya at napatanong sa sarili na " bakit kaya parang pabalik-balik din kami sa aming dinadaanan." Sa kanyang pag-aalala ay hindi na nakatiis at nagtanong na sa mga kasamahan, "  Napapansin din ba ninyo, na parang pabalik-balik din tayo sa ating dinadaanan . ?" Sa pagtatanong niyang iyon ay sumagot naman si Lester, "Oo nga noh !   bakit nga parang pabalik-balik lang tayo. !" biglang napakapit si Chesca at karen sa Braso ni Benjo. at sinabing " nakakatakot naman balik na tayo !" Sumagot naman si Benjo , " pano nga tayo makakabalik sa resort eh hindi na tayo makaalis dito. Tumogon din si Jen " pano na tayo makakabalik !? nakakatakot na talaga. "Wag kayo matakot makakauwi din tayo " sambit naman ni Jonas . " Ngunit pano nga ?" Natatakot na tanong ni Jen.
Sa paghahanap nila ng daan pabalik ay inabot na sila ng dilim. Sa pagsapit din ng dilim ay sari-sari ring mga huni at tunog sa paligid ang kanilang naririnig. kaya't mas tumindi pa ang takot at kabog ng dibdib ng bawat isa.  Sa pagkakataong ito ay mas minabuti ni Jonas na palakasin ang dibdib ng bawat isa , kaya't sinabi niya na " wag kayong matakot makakaalis din tayo dito , magtiwala kayo.."  Sa pag-iikot ng Plashlight ni Benjo ay mayroon siyang nakitang isang abandonadong bahay na bato.  " Ayun may nakita akong bahay , baka pede tayo doon na magpalipas ng gabi. " Sambit ni Benjo. "tayo na" Ayun naman ni Jonas. 
Nang makalapit na sila sa abandonadong bahay ay biglang napa-urong si Chesca. " para namang nakakatakot  pumasok jan. wag na kaya tayo tumuloy!?"  " Ano gusto mo sa labas tayo magpalipas ng gabi , diba parang mas nakakatakot!?" sambit naman ni Liala. " Nakakatakot kasi yung bahay , parang may multo. " sambit ni Chesca. " wag ka ng matakot Chesca kasama mo naman kami. " Ang sabi naman ni Juacquin.  Sa pagkakataong iyun ay napapayag na si Chesca at pumasok na sila sa Loob. Pagtapat nila sa pintuan ay bigla nalang itong bumukas at biglang naglabasan ang maraming paniki. Sabay nito ang pagtatago nina Jen, Chesca at Laila sa likuran nina Jonas , Benjo , Juacquin at Lester. napaatras din ang apat na lalaki.  "Paniki lang yan " Sambit ni Benjo. " Yung daming yun , nakakatakot kaya" imik naman ni Chesca. " tayo na pasok na tayo ," imik ni Jonas.  Sabay-sabay na nagsipasok ang lahat. Pagdating sa loob ay biglang sumaradong muli ang pinto . dahil sa gulat nila ay nagkawatak-watak at kung saan-saan nanuot para makatago. Si Jonas , Juacquin at Laila ang nagkasama , samantala si Benjo , Chesca , Jen , at lestern naman ang nagkasama. Sa pagtatago nina Lester sa isang kwarto ay para mong may dumaang lumulutang na katawan , kasabay ng malakas na hangin,  at nag-ugaan ang mga gamit. ngunit ng lumingon sila sa likod ay wala silang nakita. Sa subrang takot ay nagtakbuhan sila palabas ng kwarto.  Sa napasukan naman nina Jonas na Kwarto ay panay ang bukas sara ng pinto , ngunit wala namang tao.  Sa takot din nila ay lumabas din sila ng silid.   Doon na muli silang nagkita-kita at nagsama-sama.  Sa dulo ng bahay ay may isang silid ito ay naka kandado. pinuntahan nito ito at pinilit na buksan . pagkapasok nila sa loob ay dito muna sa nagpahinga. Sa kinauupoan ni  Jonas ay may napansin siyang isang square na tabla. tinuktok niya ito. at binuksan ,  hindi siya nakuntinto at sinilip ang nasa ilalim .  " May daan sa ilalim. " sambit ni Jonas.  Ano kayang nasa loob niyan? " tanong naman ni Juacquin. "tingnan natin" Sambit naman ni Lester. " Wag nakakatakot !" hindi pagsang-ayun ni Chesca. "Baka may daan dito para tayo makalabas" sambit naman ni Lester.  Utay-utay na silang bumaba sa maliit na butas.  Pagdating nila sa loob , nakita nilang ito ay isang tunnel . hanbang sila ay lumalakad ay mayroon silang nakikitang liwanag , at sinundan nila ang liwanag.  habang papalapit sila sa liwanag ay napansin nila na umaga na na pala.  Nang makalabas sila dito ay nakita na nila ang resort na kanilang tinutuyan . at rin ay hindi nakalayuan sa kanilang kinatatayuan. Sak lang sila nakahinga ng maluwag at sabay na nagtawanan ng may luha sa mata. 
Nang makarating sila sa resort ay sunalubong sila ng iba pa nilang kasamahan. Hindi nakatiis na magtanong sa kanila. " San kayo nanggaling bakit ngayon lang kayo nakabalik. ? " sambit ng isa sa mga ito. " Naligaw kami kahapon , hindi na namin alam kung saan kami napasuot. " Ang sagot ni Benjo. Dahil sa subra nilang takot sa pangyayari ay nakalimot silang kumain, Sa pagdating nila sa resort saka lang sila nakaramdam ng gutom at pagod.  
Nang makapagpahinga na sila ay kinausap sila ng kanilang Professor base sa kanilang dinanas sa loob ng gubat na kanilang sinuong. saka pinaliwanag na magkakaroon nalang sila ng simpleng salo-salo sa huling gabi nila sa resort , dahil kinabukasan ay babalik na sila ng Maynila.

Comments

Popular posts from this blog

PAGSUSURI NG PELIKULA " MAGNIFICO""