Umiiyak na Sanggol
Sa isang liblib na lugar sa bayan ng San Antonio ay may kumakalat na bali-balita , na sa ilalim ng tulay ay mayroong mga maligno na lumalabas tuwing sasapit ang dapit hapon. dahil malimit daw dito na makarinig ang karamihan ng pag-iyak ng sanggol, base sa mga taga rito ay ilang araw na daw na naririnig ang pag-iyak ng sanggol dito. Dahil sa mga bali-balitang ito ay naintriga si Lucia , gusto niyang malaman kung totoo nga ang mga bali-balita.
Isang hapon , habang si Lucia ay nag-aabang sa kanyang ina galing sa pagtitinda ay naisipan niyang sa dulo ng tulay mag-abang para narin malaman niya kung totoo ang sabi-sabi. habang siya ay naglalakad ay iniisip niya na mayroon ba talagang maligno sa ilalim ng tulay!? At ng makarating siya sa tulay ay umupo siya sa gilid. Samantala hindi pa siya natatagalan sa pagkakaupo ay may narinig siya sa ilalim ng tulay na ingit ng sanggol hanggang sa lumakas ang iyak nito. Sa takot niya ay napatalon siya sa pagkakaupo at kumaripas ng pagtakbo. Sa di kalayuan ay nagtago siya. Maya-maya'y mayroong lumabas sa ilalim ng tulay isang babaeng madungis ang hitsura , gulo-gulo ang buhok wari mo'y matagal ng hindi naliligo at nanunuklay. habang karga ang isang sanggol. Sa pagkakita niyang ito ay bigla siyang napatulala at nakaramdam ng awa. Sa pagkakita niyang ito ay lumabas siya sa kanyang pinag-tataguan at nilapitan ang babae. saka niya tinanong kung bakit dito pa sa ilalim ng tulay namamalagi. Ngunit ang babaeng ito ay hindi sa kanya sumasagot , wari mo'y wala sa kanyang katinuan sa pag-iisip. kaya't naisip ni Lucia na ipagbigay alam ito sa kanilang barangay. para matulungan ang in mag-ina na makabalik sa kanilang pamilya. kaya dali-daling pumunta si Lucia sa Brgy. Hall para malaman ng kapitan dito. Samantala hindi rin nag-aksaya ng oras ang kapitan ng barangay at pinuntahan ang mag-ina , para isama at maihatid sa kanilang pamilya. Dahil sa ginawa ni Lucia ay nabigyang linaw ang mga napapabalitang may maligno sa ilalim ng tulay tuwing sasapit ang dapit hapon.
Comments
Post a Comment