PAGPAPAUBAYA

 


Sanaysay:

       Sa ating buhay , masasabi nga nating ito ay isang mundo na punong-puno ng misteryo na kung minsan ay mapapaisip ka at mapapatanong sa iyong sarili na , bakit nga ba ito nangyayari sa aming pamilya? ano ba ang ginawa ko , para parusahan ako ng ganito ? bakit ina ko pa ang nagdusa sa buhay , dahil sa inggit ng iba? at kailangan naming magpaubaya para sa kaayusan ng aming pamilya!?

       Sa aking nasaksihang pangyayari na hindi ko matanggap kung bakit ito ang naging dahilan ng paghihirap at pagpanaw ng aking ina at naging dahilan din ng pagbabago ng takbo ng aming buhay , dahil ng mawala ang aming ina ay nagkaroon ang aking ama ng panibagong pamilya , sa panyayaring ito ay masakit para saakin dahil hindi pa manlang natatagalan ang aking mamang pumanaw ay napalitan agad siya ng ibang babae, Sa tuwinang sila ay makikita kung magkasama ay nasasaktan ang puso ko .Ngunit kailangan ko itong tanggapin at magpaubaya dahil kailangan din ng aming ama ng pag-aaruga at pagmamahal ng asawa , na kailan man ay hindi ito kayang ibigay ng kanyang mga anak. 

     Samantala sa aking ginawang pagpaparaya sa aking ama at pagtatanggal ng galit sa dibdib ay gumaan ang aking pakiramdam at naging maayos ang pagsasamahan ng aming pamilya kasama ang aking step mother at aming mga kapatid sa ama, Tuwing kami ay uuwi kay papa ay tuwang tuwa ang aking ama dahil nakumpleto ang kanyang mga anak at masayang nagkakasama-sama.

     Masasabi nga nating ang pagpapaubaya ay isang magandang gawin para sa kaayusan ng pagsasamahan ng bawat isa. Sa pagpapaubaya ring ito ay mas gumagaan ang iyong pakiramdam , dahil sa pagtatanggal mo ng poot sa dibdib . 

Comments

Popular posts from this blog

PAGSUSURI NG PELIKULA " MAGNIFICO""