BARYO SA PAANAN NG BUNDOK
KWENTONG KAPALIGIRAN:
BARYO SA PAANAN NG BUNDOK
Sa liblib na lugar , sa paanan ng bundok ay mayroong maliit na baryo. Na may iilang bahay din na naninirahan dito. Na halos lahat ng mga nakatira dito ay magkakamag-anak isa na rito ang pamilya ni Mang Tacio at Aling Maring. Si Mang Tacio at aling Maring ang namumuno sa kanilang baryo sa lahat ng aktibidad at iba pang mga gawaing pambaryo. Sila rin ang takbuhan ng mga taga baryo tuwing may mga pangangailangan at pag nagkakaroon ng problema ang mga ito. Dahil nga hindi sila biniyayaan ng mga anak ay itinuon na lamang nila ang kanilang panahon sa pagtulong sa kanilang mga kasamahan sa baryo.
Isang umaga , habang si Mang Tacio at Aling Maring ay nagkakape sa kanilang beranda at pinanunuod ang mga batang naghahabulan sa harapan ng kanilang bahay ay di ano-ano'y may isang lalaking humahangos sa pagmamadali sa pag takbo habang papunta sa bahay ni Mang Tacio para ibalitang mayroong masamang nangyayari sa itaas ng bundok.
" Mang Tacio, mang Tacio " tawag kay mang Tacio ng isang lalaking tumatakbo. " Bakit ,? Anong nangyari at ikaw ay dali-daling pumunta dito? anong problema Caloy? * tanong naman ni Mang Tacio. " Mang Tacio , mayroon pong mga kalalakihan ng nagpuputol ng malalaking puno sa itaas ng bundok. hindi ko po sila mga kilala!. sagot ni Caloy. " At sino naman ang nag-utos sa kanila na magputol ng puno sa bundok"? inis na patanong ni Mang Tacio. " Hindi ko po alam." sagot naman ni Caloy. " Hala,! sandali lang at magpapalit ako ng damit at pupuntahan natin ang mga yan , Magpapaalam muna ako kay Maring. " sambit ni Mang Tacio. "sige po!" aantayin po kita dito sa labas". sagot naman ni Caloy.
"Maring, maring. aalis muna kami ni Caloy para puntahan ang mga nagpuputol ng puno sa bundok" paalam ni Mang Tacio kay aling Maring." sige mag-iingat kayo." sagot naman ni Aling Maring. Pagkabihis-bihis ng damit ni Mang Tacio ay dali-dali na silang umalis papunta sa bundok.
Pagkadating nila sa itaas ng bundok ay tumambad sa kanilang harapan ang napakaraming tumbang puno. at ito ay ikinagulat at kinagalit ni Mang Tacio dahil sa kanilang dinatnan. dali-daling pinuntahan nina Mang Tacio at Caloy ang mga taong nagpuputol ng puno. At tinanong ang mga ito. " Sino ang nag-utos sa inyo na magputol ng maraming puno dito? galit na patanong ni Mang tacio. "Napag-utosan lang po kami ng aming amo. Nabili na po niya ang lugar na ito sa may-ari nitong lupa. kaya po pinapuputol na ang mga puno at mayroon daw po dito siyang ipapatayo." sagot ng isa sa mga kasamahan ng nagpuputol ng puno." Hindi ninyo maaring putulin ang mga puno dito, dahil maaring maapektuhan ang mga naninirahan sa paanan ng bundok. Maaring gumuho ang lupa kapag wala ng puno na sisipsip sa tubig na nagmumula sa bundok. maraming masasalanta dahil sa ginagawa ninyo!" kaya itigil na ninyo iyan.! sagot ni Mang Tacio."hindi po maaari, magagalitan kami ng aming amo. kaya nga po binili ang lugar na ito ay gagamitin niya para pagtayuan ng kanilang negosyo." sagot muli ng kausap ni Mang Tacio.
"Sino ba ang iyong amo at kakausapin ko.?!" tanong ni Mang Tacio. " Nasa ibang bansa po ngayon ang aming amo ,hindi mo po siya makakausap." Sagot ng kanyang kausap. Galit na galit si Mang Tacio na bumaba ng bundok Samantala pagkadating nina Mang Tacio sa kanilang baryo ay nagpatawag siya ng pagpupulong sa kanilang mga kabaryo. Para pag-usapan ang nangyayari sa bundok.
" Nagpatawag ako ngayon ng biglaang pagpupulong dahil sa may nangyayaring hindi maganda sa bundok. pinagpuputol ang malalaking puno sa bundok. Inabutan namin kanina ni Caloy na hindi pa sila tapos sa pagpuputol kahit na marami na silang naitumbang puno sa bundok. " Pabatid ni Mang Tacio. "Papayag ba kayo na ubusin nila ang puno sa bundok?, tayo ang maaapektuhan noon, dahil sa ginagawa nila. banggit ni Mang Tacio. " Hindi kami papayag na magputol sila ng puno sa bundok at ubusin nila iyon. pigilan natin sila. " Sagot ng mga kabaryo. " Dadaanin natin ito sa maayos na pamamaraan. ipagbibigay-alam natin ito sa kinauukulan, para mapigilan sila " Sagot namang muli ni Mang Tacio. "sige po". pagtugon naman ng mga kabaryo. Natapos ang kanilang pagpupulong sa maayos na usapan.
Ang problemang ito ay hindi na pinatagal ni Mang Tacio . Kinabukasan ay maagang umalis si Mang Tacio para pumunta sa kinauukulan para ipagbigay-alam ang nangyayari sa bundok. Sa pagpuntang ito ni Mang Tacio ay hindi siya nabigo at agad na inaksyonan ang problemang ito sa bundok. Dahil dito ay masayang-masaya na ibinalita ni Mang Tacio sa kaniyang kabaryo na nagtagumpay ang kaniyang lakad. Sa binalitang ito ni Mang Tacio ay walang panglagyan ng tuwa ang mga tagabaryo sa masayang balita .
Makalipas lang ang ilang araw ay dumating ang isang malakas na bagyo. Malakas na ulan at malalakas na hangin ang hinarap ng kanilang baryo. Dahil sa tagal at subrang lakas ng ulan ay nagdulot ito ng matinding pagbaha na nagmumula sa kabundukan. Gayun din ang pagguho ng lupa. dahil naranasang ito ng mga tagabaryo ay maraming pananim ang nasira , gayun din ang maraming hayop ay nagkasakit at ang iba naman ay namatay. Sa pagragasang ito ng malakas na bagyo ay nalungkot ang mga taga baryo. Hindi nila makontrol na isipin na ang kanilang sinsisi ay ang pagpuputol ng maraming puno sa bundok , kaya sila nakaranas ng matinding baha at pagguho ng lupa.
Kinabukasan paglipas ng malakas na bagyo ay tulong -tulong ang mga taga baryo para ayusing muli ang mga kagamitan at kanilang mga ari-ariang maari pang gamitin. Pagkatapos ay muling Nagpatawag si Mang Tacio ng pagpupulong para maisalbang muli ang kabundukan. Nag mungkahi si Mang Tacio na muli silang magtanim ng maraming puno sa bundok para mapalitan ang mga nawalang puno. gayun din para makaiwas sila sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa. Sa minungkahing ito ni Mang Tacio ay pumayag ang lahat. kaya't natapos ang kanilang pagpupulong ng maayos at nagkakaisa.
Kinabukasan ay maagang nagtipon-tipon ang mga taga baryo sa pamumuno ni Mang Tacio. at sabay-sabay silang umahon sa itaas ng bundok dala ang kanilang maraming pananim, at nagtulong-tulong silang magtanim . Pagkatapos nilang maitanim lahat ng kanilang dalang pananim ay sabay-sabay din silang bumaba ng bundok. Pagkadating nila sa baryo ay mayroong nakahandang munting salo-salo si Aling Maring para sa kanilang mga tagabaryo. At doon sila masayang nag salo-salo habang nagkakasayahan. Sa huli sinabi ni Mang Tacio sa kaniyang mga kasamahan na magiging maayos din ang lahat basta't lagi tayong magkakasama at tulong tulong . saka nagpalakpakan ang lahat . Simula noon ay naging maayos ang kanilang pagsasamahan.
Comments
Post a Comment