BARYO SA PAANAN NG BUNDOK
KWENTONG KAPALIGIRAN: BARYO SA PAANAN NG BUNDOK Sa liblib na lugar , sa paanan ng bundok ay mayroong maliit na baryo. Na may iilang bahay din na naninirahan dito. Na halos lahat ng mga nakatira dito ay magkakamag-anak isa na rito ang pamilya ni Mang Tacio at Aling Maring. Si Mang Tacio at aling Maring ang namumuno sa kanilang baryo sa lahat ng aktibidad at iba pang mga gawaing pambaryo. Sila rin ang takbuhan ng mga taga baryo tuwing may mga pangangailangan at pag nagkakaroon ng problema ang mga ito. Dahil nga hindi sila biniyayaan ng mga anak ay itinuon na lamang nila ang kanilang panahon sa pagtulong sa kanilang mga kasamahan sa baryo. Isang umaga , habang si Mang Tacio at Aling Maring ay nagkakape sa kanilang beranda at pinanunuod ang mga batang naghahabulan sa harapan ng kanilang bahay ay di ano-ano'y may isang lalaking humahangos sa pagmamadali sa pag takbo habang papunta sa bahay ni Mang Tacio para ibalitang mayroong...