Ang Aking Kwento

 


Dear tio Yrut,

   Sa isang liblib na lugar  ako lumaki ,sa brgy. Binawangan sa bayan ng Capalonga Camaines Norte. Dahil walang kasama ang aking lola at dalawang tito ay sinabi saakin ng aking mama na sa aking lola na daw muna ako tumira ng sila ay may kasama sa bahay. kaya't ang aking lola na ang nag-alaga at nagpaaral saakin mula grade 1 hanggang grade 3. Dahil kulang ang silid aralan sa aking pinasukang school ay pinabalik ako ng aking lola sa lugar kung saan naninirahan ang aking mga magulang.  At dito ko na ipinagpatuloy ang aking pag-aaral.  Ang aking ina ay isang simpleng ina ng tahanan at may munting sari-sari store at ang aking papa naman ay nagdedeliver ng isda at kung minsan ay namamasada gamit ang aming tricycle. Sa kanilang pagmamahalan ay pito kaming nabuo na kanilang mga anak apat na lalaki at tatlong babae. 

  Tuwing bakasyon ay umuuwi kaming mag-anak sa bahay ng aming lola, para doon muna mamalagi,  Dahil sa isang hindi pagkakaunawaan  ng isa sa aking tiyahin at ng aking ina , dahil sa maling sumbong ng aking pinsan sa kanyang mga magulang ay sinugod ang aking ina at doo'y nagwala ito. na sinundan ng aking tiyuhin at di ano-ano ay biglang sinuntok ang aking ina sa likod sa subrang lakas ng suntok niya sa likod ng aking mama ay bigla akong napasigaw sa kinaroroonan ko, na hindi kalayuan sa kanila . ngunit hindi ito ininda ng aking ina, at lumayo nalang sa  kanila para hindi na lumaki ang gulo.

Hindi pa nakakalipas ang isang taon ay lagi ng sumasakit ang likod ng aking mama, ngunit hindi niya ito sinasabi saamin. hanggang sa hindi na niya kinaya at inaya na ang aking papa para magpagamot. hanggang sa hindi inaasahan ay bigla siyang napadulas bago sumakay ng motor , Sa kasamaang palad ay hindi na siya makabagon sa kanyang pagkakadulas. hanggang sa siya ay nakaratay nalamang sa higaan at hindi na makalakad. Nagpabalik-balik sa Hospital at nakailang lipat din ng Hospital Mula sa daet , inilipat ng Lopes Quezon hanggang sa dalhin ng Maynila , Sa kasamaang palad hindi na tanggapin ang aking ina sa Orthopedic Hospital dahil hindi na daw kaya pang magamot ang aking ina, hanggang sa makarating kami ng Jose Reyes Hospital.  kinabukasan habang ako ay nagbabantay sa aking ina , sinabi niya na huwag na akong umalis sa tabi niya, at bantayan ko nalang daw siya, ngunit sa hospital na ito ay bawal ang maraming bantay , kaya't sinabi ko nalang sa kanya ay " hindi pwede mama ! walang maglalaba sa mga damit natin kaya kailangan kung umuwi muna sa aming tiyahin na pansamantalang tinutuluyan. 

Maya-maya ay sinabi niya na " anak ayusin mo nga yung buhok ko" pagkasabi niya nito ay lumapit ako sa kanyang ulonan at dahan-dahang sinuklay ito , hanggang sa siya ay makatulog. Nang makatulog na si mama ay saglit akong lumabas patungo sa CR. At sa Pasilyo ay nakita kung nag-uusap ang doctor at si Papa. Bigla akong nanlumo at tumulo ang luha sa aking narinig na sinabi ng doctor sa aking papa na " Tatay ang inyo pong asawa ay hindi na magtatagal ang buhay , pasalamat na lang po tayo na aabot pa  siya ng tatlong araw. Pagkatapos kung marinig ay bumalik na ako sa kwarto na kinaruruonan ni mama. habang pinipigil ang pag-iyak para hindi makita ni mama na ako ay umiyak, Ngunit hindi ko ito naitago dahil sa pamumula ng aking mata at pangingig ng boses. Nang makita ako ni mama ay tinanong ako ,  aniya" Anak ok ka lang ba?" . " Opo mama " ang sagot ko naman. maya-maya'y pinalapit na niya ako sa kanyang tabi . 

Makalipas ang dalawang araw,  habang ako ay natutulog kasama ang aking pinsan ay hindi daw siya makatulog , hanggang sa siya ay lumabas ng kwarto at doon na natulog. Panggising ko sa umaga habang ako ay naghuhugas ng mga basong pinagkapihan ay bigla kong natabig ang isang baso at bumagsak ito sa sahig.  Samantala wala naman sa isip ko ang mga pamahiing sinasabi. Pagsapit ng tanghali ay pumunta sa kinaruruonan kung bahay si papa kasama ang aking kuya . Sa kanilang pagpasok sa pintuan bigla akong napatanong na ," Asan si mama , papa bakit di ninyo kasama?" sa tan itong kung iyun ay bigla silang nagkatinginan at bigla ding nalungot , di nagtagal at sinagot ako ni papa . " Anak wala na si mama mo, iniwan na niya tayo.  " Sa sinabi niya iyun ay bigla akong napahagulhol sa pag-iyak. 

At sa pag-uwi namin ng probensya  ay malamig na bangkay na ni mama ang aming kasama. Ang dati naming masayang tahanan ay nabalutan ng matinding kalungkutan , dahil sa pagkawala ng aking ina.

Makalipas ang limang buwan, May mga nababalitaan kami na mayron ng nililigawan si Papa , ngunit wala naman saaming binabanggit . Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksedinte si papa sa motor kasama ang dalawa ko pang kapatid, habang ako naman at ang iba ko pang kapatid ay nakasakay sa buz , walang ano-ano'y biglang sumulpot sa papa sa likod ng buz na aming sinakyan at biglang lumura ng buo-buong dugo . ngunit nilaksan pa niya ang kanyang loob at nakapagbayad pa sa buz na aming sinakyan bago nagpadala sa Hospital. 

Dito ko na unang nakita sa Hospital ang babaeng nililigawan ni papa , ng siya ay bisitahin nito. sa galit ko ay nagtaklob ako ng kumot at umiyak sa nakita , na mayron ng ibang babae si papa  kahit na ilang buwan palang mula ng mawala si mama. 

Mula noon ay biglang nagbago ang tingin ko kay papa, sa subra kung galit. Nang makatapos ako ng high school ay sinabi ko kay papa na "papa gusto kung mag-aral ng College ay sa Lucena kasama ang aking pinsan . " At pumayag naman ang aking papa. Makalipas ang ilang araw ay nagpaalam akong muli na magkasabay na kaming aalis ng aking pinsan. Ngunit biglang nagbago ang desisyon ni papa at sinabi na wag na daw muna akong mag-aral. 

Sa pagkakataong ito ay mas tumindi ang galit ko at mula noo'y naglayas ako at nagtrabaho sa ibang bayan. bago natagalang bumalik , Naging pasaway  , laging nasa sayawan kung saan mayroon kasama ang barkada . Hanggang sa makapag-asawa ng maaga at umuwi ng buntis. 

Sa pagkakaroon ko ng sariling pamilya ay muli akong nagbago at naging prayuridad na ay pamilya ginawa ang lahat para mapabuti ang kalagayan ng pamilya , at pagiging mabuting asawa. Lumuwas muli ako sa syudad para magtrabaho para matulungan ang aking asawa para sa mga gastusin sa bahay.  At pagkaraan ng ilang taon ay tumigil na akong magtrabaho sa malayong lugar at nagtinda nalamang saamin , para narin magabayan ko ang paglaki ng dalawa kung anak.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang dumating ang aking panibagong uportunidad na makapag-aral muli sa kolehiyo , sa pagkakataong ito ay hindi ko na ito pinakawalan at ako ngayon ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo , at patuloy na nakikipaglaban kahit na maraming pagsubok na pinagdaraanan ay patuloy parin para sa mga pangarap at sa pamilya na umaasa saakin..


Comments

Popular posts from this blog

PAGSUSURI NG PELIKULA " MAGNIFICO""