Posts

Showing posts from September, 2022

PAPA

Image
PAPA    ni:  Diecybel T. Camacho Simula ng pagsilang saamin ni mama, ikaw ay lagi naming kasama,  Hinihele sa duyan ng magandang awitin. para kami ay libangin at patulugin. habang si mama ay nagpapahinga. hindi nawawala ang pagkalinga. sa' yong mga anak, kahit dumanas ng hirap ay hindi mo kami pinabayaan, binigyan mo kami ng maayos na buhay. kahit alam mong ika'y nahihirapan ,  hindi mo ito saamin ipinaramdam. bagkus kami ay laging pina-aalahanan. mag-aral ng mabuti para sa aming kinabukasan. Tunay ngang ikaw ay haligi ng tahanan, nagsilbing aming sandigan .  Sa hirap at kaginhawaan ika'y laging andiyan. aming ama ng tahanan. kahit pumanaw si mama ng maaga,  ikaw ay tumayong mag-isa, para kami ay itaguyod. para sa  maayos na buhay na aming tatahakin sa dadakuhin. Salamat sayo Papa at ikaw ang aming naging ama.

Ulan

Image
            Dumidilim umiikot sa  kalangitan ,  dagundong na ang  kulog, sungit ng kidlat. Ulan, ulan, at umuulan nanaman, bisita kung ulan ,andiyan nanaman. Sumisilip at hindi ko mapigilan, hindi nagpapigil sa pagpasok siyang ulan, nagpaalalang giba na ang bubongan, ramdam ang kurot saking puso't isipan . natutulala't napaisip mag-isa.  kailan maaayos siyang bubongan . ng hindi na palaging nag-aalinlangan. na muli syang  papasok sa kabahayan. lagi ng nakahanda , tabo at batya. hanggang  ula'y  magpaalam at tumila.  

Pagbangon

Image
      Pagbangon  Kay sarap bumangon kasamang  pamilya, ngiti'y sumasalubong sayong mga mata, habang nakatitig ang iyong asawa, at sasamahan kang bumangong masaya. at Para harapin ang bagong umaga . Sa pagsilip ng araw , ramdam ang saya,  walang pag-aalinlangang harapin sya, Ano mang pag-daanang problema'y kaya. basta't- kasama ang buong pamilya, babangon tayo  para lang sa kanila. Nadapa'y babangon at maninindigan,  para ipaglaban ang nararamdaman, pangarap na ating kinakailangan, pagtatagumpay ay pinaghandaan, bumangon tayo at makipaglaban. Sa ano mang hamon ng kahirapan, bumango't harapin, ang kinabukasan. At aahon din tayo sa kahirapan, tibayan ang iyong loob at bumangon. handa ko ng harapin ano mang hamon.

Hiya

Image
      Hiyang hiya ako sa'king karanasan , nadulas sa  bangkang aking sinasakyan , napatingin saakin ang karamihan , napatungo nalang sa'king kahihiyan,  lampa nga ako ng aking kabataan , palagi ng nadadapa sa putikan , kahiya-hiyang akin ngang karanasan,  lampa kung tawagin ng aking mga pinsan. Tuwing kami'y umuwi't magkakasama , napagkukwentuhan ang naranasan na, napupuno ng hagakhak ang beranda, sa mga nakakahiyang naranasan na ,  dinaan sa aming kwentuhang masaya, Sa harap ng klasrum , kasama'y barkada, natapid sa mesa, napatingin  sila, hay, lampa kung talaga, kainis na. kakahiyang subra, sa'king mga barkada.

ANAK NA INAALALA KA

Image
         Lagi kung inaalala, ina kung kay ganda-ganda, luha sa mata'y umapaw,  tuwing siya'y naalala. lagi sa tuwi-tuwina. Minsan  siya'y nakasama, minsan ding nagpaalala, bago'y nagpaalam na, namumugto kung mga mata, tuwinang  naaalala. Bakit hindi nawawaglit , ang ala-ala ni mama, sa tuwina'y may problema. siya agad na  pumapasok,  isipang natulala na. hindi ko lubos maisip ,  kahit na sa panaginip, aking ina'y iniisip, Maging tulog man sa silid, sa kama'y nakatagilid. Saan ka man ngayon mama, laging mong tatandaan na, mahal ka namin tuwina, anak akong naalala, ang minamahal kung ina.

AKO AT AKING AWIT

Image
          Lahat ng mga tao ay pinangarap makapagtapos ng pag-aaral. Kaya't maraming tao ang nagsusumikap na makapag-aral para maging maayos ang buhay pati na rin ang pamilya.        Bata pa lamang ako ay ninanais ko ng sa paglaki ko ay makatungtung ako sa kolehiyo at makapag-tapos. Kaya't nag  sumikap ako na makapasok sa paaralan araw-araw. Ngunit sa hindi inaasahang masamang pangyayari ay nagpaalam na ang aking ina, sanhi ng kanyang malubhang karamdaman. Dahil dito ay hindi na ako natuloy sa kolehiyo. At nakapag-asawa sa murang edad. At  biniyayaan ng dalawang anak. Ngunit hindi ko lubos maisip na muli akong makakapag-aral. at ngayon ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo sa huling taong pag-aaral para makamit ang pinapangarap na makapag-tapos.       Samakatuwid maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang awitin ni Angeline Quinto na "PATULOY ANG PANGARAP" . At tumatak saaking isipan ang ilang linya sa awiting it...

PINAGPALA TAYO

Image
                                " Pinagpala tayo"          Sa mundong ibabaw bawat nilalang ay may kanya-kanyang sariling buhay, maging halaman man yan , o hayop, gayun din ang mga tao. Ang lahat ng ito ay may kanya-kanya ding tadhana sa pamamalagi sa mundo. At nabubuhay ding may ibat-ibang katatayuan sa buhay,. Sa bawat isipan ng tao ay namumuo ang ilang katanongan ,  Ano ang pagpapala na ginawa ng panginoon satin, at ganito ang naging buhay natin?  At sino ang pinagpapala ?           Ang pagpapala ng panginoon ay makikita sa ibat-ibang paraan , spiritwal ,  emotional, pisikal na kaanyuan . Mula sa pagsilang at pagmulat ng mata sa pag-gising sa umaga. ay masasabi mong ikaw ay pinagpala. Gayun din sa penantial at nasusunod ang gusto mong bilhin sa pamilya man o sa pansarili mong kagustuhan .Nakakakita,  nakakalakad , nakakapagtrabaho....