Ulan
Dumidilim umiikot sa kalangitan ,
dagundong na ang kulog, sungit ng kidlat.
Ulan, ulan, at umuulan nanaman,
bisita kung ulan ,andiyan nanaman.
Sumisilip at hindi ko mapigilan,
hindi nagpapigil sa pagpasok siyang ulan,
nagpaalalang giba na ang bubongan,
ramdam ang kurot saking puso't isipan .
natutulala't napaisip mag-isa.
kailan maaayos siyang bubongan .
ng hindi na palaging nag-aalinlangan.
na muli syang papasok sa kabahayan.
lagi ng nakahanda , tabo at batya.
hanggang ula'y magpaalam at tumila.
Comments
Post a Comment