Pagbangon


      Pagbangon


 Kay sarap bumangon kasamang  pamilya,

ngiti'y sumasalubong sayong mga mata,

habang nakatitig ang iyong asawa,

at sasamahan kang bumangong masaya.

at Para harapin ang bagong umaga .


Sa pagsilip ng araw , ramdam ang saya,

 walang pag-aalinlangang harapin sya,

Ano mang pag-daanang problema'y kaya.

basta't- kasama ang buong pamilya,

babangon tayo  para lang sa kanila.


Nadapa'y babangon at maninindigan,

 para ipaglaban ang nararamdaman,

pangarap na ating kinakailangan,

pagtatagumpay ay pinaghandaan,

bumangon tayo at makipaglaban.


Sa ano mang hamon ng kahirapan,

bumango't harapin, ang kinabukasan.

At aahon din tayo sa kahirapan,

tibayan ang iyong loob at bumangon.

handa ko ng harapin ano mang hamon.

Comments

Popular posts from this blog

PAGSUSURI NG PELIKULA " MAGNIFICO""