ANAK NA INAALALA KA
Lagi kung inaalala,
ina kung kay ganda-ganda,
luha sa mata'y umapaw,
tuwing siya'y naalala.
lagi sa tuwi-tuwina.
Minsan siya'y nakasama,
minsan ding nagpaalala,
bago'y nagpaalam na,
namumugto kung mga mata,
tuwinang naaalala.
Bakit hindi nawawaglit ,
ang ala-ala ni mama,
sa tuwina'y may problema.
siya agad na pumapasok,
isipang natulala na.
hindi ko lubos maisip ,
kahit na sa panaginip,
aking ina'y iniisip,
Maging tulog man sa silid,
sa kama'y nakatagilid.
Saan ka man ngayon mama,
laging mong tatandaan na,
mahal ka namin tuwina,
anak akong naalala,
ang minamahal kung ina.
Comments
Post a Comment