PINAGPALA TAYO
" Pinagpala tayo"
Sa mundong ibabaw bawat nilalang ay may kanya-kanyang sariling buhay, maging halaman man yan , o hayop, gayun din ang mga tao. Ang lahat ng ito ay may kanya-kanya ding tadhana sa pamamalagi sa mundo. At nabubuhay ding may ibat-ibang katatayuan sa buhay,. Sa bawat isipan ng tao ay namumuo ang ilang katanongan , Ano ang pagpapala na ginawa ng panginoon satin, at ganito ang naging buhay natin? At sino ang pinagpapala ?
Ang pagpapala ng panginoon ay makikita sa ibat-ibang paraan , spiritwal , emotional, pisikal na kaanyuan . Mula sa pagsilang at pagmulat ng mata sa pag-gising sa umaga. ay masasabi mong ikaw ay pinagpala. Gayun din sa penantial at nasusunod ang gusto mong bilhin sa pamilya man o sa pansarili mong kagustuhan .Nakakakita, nakakalakad , nakakapagtrabaho. Samantala ang talento ay isa ring uri ng pagapapala na binigay ng panginoon, tulad ng pag-awit, pagpipinta , pagsulat , pagsayaw at iba pa. Dahil hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan nito. Pinagpala din dahil nakakapag-aral , dahil hindi rin lahat ng mga bata ay nakakapag-aral.
Kaya't masasabi ko ngang ako ay pinagpala dahil nabuhay ako sa mundong ibabaw na may normal na pangangatawan mula sa maayos na pangangalaga ng aking mga magulang habang ako ay nasa sinapupunan pa lamang , pinag-aral at binigayan ng subra-subrang pagmamahal , at ngayon nga ay nagkaroon na ng sariling pamilya at biniyayaan ako ng mapagmahal na asawa at dalawang anak , lalaki at babae.
Samantala ang makatapos sa pag-aaral ang isa rin sa aking pinapangarap , At ngayon nga ay masasabi ko talagang lubos akong pinagpala dahil ako ay muling nakabalik sa pag-aaral na hindi ko lubos akalain na makakabalik pa. Mula sa pagkakaloob ng panginoon at tulong ng gobyerno gayun din sa aking pamilya na lubos ang suporta saakin matupad ko lang ang aking pangarap .
Samakatuwid lahat ng bagay at nilalang ay masasabi mong pinagpala sa ibat-ibang paraan mo lang makikita. Dahil lahat nga ng bagay sa mundo ay magkakaiba at may kanya-kanyang tadhanang tinatahak. Wag ka lang makakalimot sa mahal na panginoon at hindi ka maliligaw at patuloy lang mangarap , magtiya wag sumoko ano mang hirap ang buhay, dahil hindi tayo bibigyan ng problema ng panginoon ng hindi natin kayang lutasin , dahil tayo ay lubos na pinagpala.
Comments
Post a Comment