AKO AT AKING AWIT
Lahat ng mga tao ay pinangarap makapagtapos ng pag-aaral. Kaya't maraming tao ang nagsusumikap na makapag-aral para maging maayos ang buhay pati na rin ang pamilya.
Bata pa lamang ako ay ninanais ko ng sa paglaki ko ay makatungtung ako sa kolehiyo at makapag-tapos. Kaya't nag sumikap ako na makapasok sa paaralan araw-araw. Ngunit sa hindi inaasahang masamang pangyayari ay nagpaalam na ang aking ina, sanhi ng kanyang malubhang karamdaman. Dahil dito ay hindi na ako natuloy sa kolehiyo. At nakapag-asawa sa murang edad. At biniyayaan ng dalawang anak. Ngunit hindi ko lubos maisip na muli akong makakapag-aral. at ngayon ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo sa huling taong pag-aaral para makamit ang pinapangarap na makapag-tapos.
Samakatuwid maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang awitin ni Angeline Quinto na "PATULOY ANG PANGARAP" . At tumatak saaking isipan ang ilang linya sa awiting ito na.
Di pa rin makapaniwalaSa lahat ng nangyayariPangarap parang kailan langSa panaginip ko'y nakita
Ngayon ay dumatingNang bigla sa aking buhay
Dahil nga hindi ko lubos maisip muli akong makakapag-aral pa, na wari mo'y isang panaginip lamang . Kaya't lubos ang saya na aking nararamdaman ngayon , dahil ang aking pinangarap ay magkakatutuo na.
Unti-unting mararatingTagumpay ko'y makikitaPatuloy ang pangarap
kaya't patuloy lang mangarap at magsumikap para sa mga pangarap.
Comments
Post a Comment