Pagsilay sa Pangarap
" Pagsilay sa Pangarap"
Sa pagmulat ng aking mata ay nasilayan ang pagsilip ng nagniningning na sikat ng araw na tumatama sa bubog ng bintana. na wari mo'y bumabati ng isang magandang umaga , at nagsisilbing alarm clock sa tuwina. Para muli nanamang ipagpatuloy ang mga gawaing nakasanayan na. mula sa pagmulat hanggang sa pagpikit ng mga mata.
Napakasarap ng pagbangon sa malambot na kama , sa umaga ng may ngiti sa mata kasama ang buong pamilya. Pati na rin ang mga halaman na nasa bakurang kay ganda .na laging nag-aantay saakin para kausapin sila. Bago gumising ang aking mag-aama ay kailangan nakahanda na ang masarap na agahan na aming pagsasaluhan sa bilog na mesa. Kay sarap kumain ng kumpleto at nagkakaisa ang buong pamilya habang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na naganap sa nakaraang araw ng bawat isa. at pagkatapos ng agahan ay sabay-sabay ding maghahada para sa pagpasok sa trabaho ng bawat isa. mula sa aming pinag-aralang propesyon na natupad na. mula saakin na pagiging lisensyadong guro , sa aking dalawang anak na bago palang nag-uumpisa sa kanilang trabaho. mula rin sa pagiging arkitekto at guro din ang isa. gayun din ang aking asawa na nag papatakbo ng aming restaurant na patuloy naming pinagtutulungang paunlarin pa, para sa aming pamilya at ilang tauhang saami'y umaasa para may maipantustos sa kanilang pamilya.
Makikita saaking mga pangarap ang isang matatag na pamumuhay , dahil na rin siguro saaking mga nararanasan sa kasalukuyan , Sapagkat napakahirap mamuhay sa panahon ngayon ng wala kang matatag na hanapbuhay. at kailangang pag-isipan muna ang mga dapat na gawing pagdedesisyon para sa ikauunlad na bawat isa.
Masasabi ngang kapag nangarap ka ay samahan mo ng sipag, tiyaga at didikasyon para ang iyong pangarap ay hindi magsilbing isang pangarap lang , kundi isang pangarap na natupad at pina-uunlad pa. dahil ikaw mismo ang nagpapapatakbo ng sarili mong kapalaran at wala ng iba.
Diecybel T. Camacho
4th Bsed Filipino-A
Comments
Post a Comment