MASAYANG KAHAPON
"Masayang kahapon"
Sa paglipas ng panahon,
bumabalik at bumabalik saaking isipan,
masasayang alala na hindi ko malilimutan,
pagsasama-sama ng aming angkan,
nagtatawanan at nagsasayawan ,
sa gitna ng bakuran , ng aming lolang aming inaalagaan.
Umaapaw ang kanyang kagalakan tuwing siya'y aming pinupuntahan.
Sa pagsapit ng gabi, kami'y nag-uumpukan, sa ilalim ng liwanag ng tala at buwan , na matatagpuan sa dalampasigan.
habang pinag-uusapan at binabalik-balikan ang mga nangyari sa nakaraan,
hindi nawawala ang aming kamusmusan , mula sa larong aming kinagisnan.
at paglangoy sa dagat , habang sumasabay sa along sumasampal sa aming katawan.
Kay sarap balik-balikan ang mga alala ng nakaraan ,
tuwing dumadapo sa aking isipan ,
umaapaw na kaligayahan ang aking nararamdaman.
kaya't ako ay napapaisip, at natutulala na lamang ,
kailan kaya muling magsasama-sama ang aming angkan.
Diecybel T. Camacho
4th year BSED FIL-A
Comments
Post a Comment