Posts

Showing posts from August, 2022

MASAYANG KAHAPON

                         "Masayang kahapon"               Sa paglipas ng panahon,           bumabalik at bumabalik saaking isipan,         masasayang alala na hindi ko malilimutan,        pagsasama-sama ng aming angkan,         nagtatawanan at nagsasayawan ,       sa gitna ng bakuran , ng aming lolang aming inaalagaan.    Umaapaw ang kanyang kagalakan tuwing siya'y aming pinupuntahan.    Sa pagsapit ng gabi, kami'y nag-uumpukan,     sa ilalim ng liwanag ng tala at buwan , na matatagpuan sa dalampasigan.    habang pinag-uusapan at  binabalik-balikan ang mga nangyari sa nakaraan,       hindi nawawala ang aming kamusmusan , mula sa larong aming kinagisnan.            at paglangoy ...

Pagsilay sa Pangarap

                      "  Pagsilay sa  Pangarap"                Sa pagmulat ng aking mata ay nasilayan ang pagsilip ng nagniningning na sikat ng araw na tumatama sa bubog ng bintana. na wari mo'y bumabati ng isang magandang umaga , at nagsisilbing alarm clock sa tuwina. Para muli nanamang ipagpatuloy ang mga gawaing nakasanayan na. mula sa pagmulat hanggang sa pagpikit ng mga mata.                Napakasarap ng pagbangon sa malambot na kama , sa umaga ng may ngiti sa mata kasama ang buong pamilya. Pati na rin ang mga halaman na  nasa bakurang kay ganda .na laging nag-aantay saakin para kausapin sila. Bago gumising ang aking mag-aama ay kailangan nakahanda na ang masarap na agahan na aming pagsasaluhan sa bilog na mesa. Kay sarap kumain ng kumpleto at nagkakaisa ang buong pamilya habang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na naganap sa nakaraa...